| About the Senator 
|


Quick Links 
|




What's New? 
|



| | |

Forum

Tulong para sa OFW Started November 2, 2008 @ 1:35am by freedomfighter
 |
Post Message |
|
|
| Tulong para sa OFW | November 2, 2008 @ 1:35am | Sen. Jinggoy, naipadala ko na po ito sa ABS-CBN upang ihingi ng tulong ang kababayan nating OFW na tulad ko rin. Sa kasalukuyan po siya ay nasa Riyadh pa rin kung saan patuloy po nyang dinadanas ang epekto ng kalupitan ng kanyang employer. Narito po sa baba ang mga naunang email na pinadala ko sa ABS-CBN.
From : <j.gamat.24@lycos.com>
To : <ireport@abs-cbn.com>
Cc : <xxx@abs-cbn.com>
TO: Mr. Henry Omaga Diaz, Mr. Ted Failon, Mr. Julius Babao, Ms. Pinky Webb, Ms. Karen Davila and to all field reporters of ABS-CBN.
Kung pwede po sana kahit sa Balitang Middle East, paki publish po itong mga pangalan ng mga kababayan nating OFW, para po sana mapanood ng mga kapita-pitagang mga empleyado ng Phil. Embassy at ng POLO-OWWA ang mga kawawa nating mga kababayan. Katulad po sa sinabi ko sa una kong email, ipapadala ko po sa inyo ang pangalan at ang kanilang passport number. Bali dalawa pa lang po sa kanila ang nakuha ko dahil ang kanilang passport daw po ay nasa kanilang employer pa. Narasan ko rin po ang magkaroon ng malupit na amo kung kayat nararamdaman ko ang nararamdaman nila ngayon. Mahirap po ang walang hawak na dokumento lalo na't lumalabas-labas kayo sa mga kalsada ng Saudi Arabia. Hindi naman po maaaring hindi sila lumabas ng kanilang bahay na tinutuluyan kasi wala naman po silang mapagkukunan ng perang pangkain o kahit pampadala lamang sa kanilang pamilya. Opo, totoo na may kumakanlong sa mga OFW na pinalayas at lumayas sa kanilang employer. Pero ang ibang kababayan natin, kahit na alam po nilang bawal ang magkanlong sa mga tumakas ay nagagawa pa rin nila ito sa dahilang naaawa sila sa kapwa namin OFW.
Pero ang masakit po nito, ang ating embahada ay walang magawa sa mga bagay na ito. Ang ilang empleyado ng POLO-OWWA ay mangmang din sa batas ng Saudi Arabia. Nalulungkot po sa dinadanas ng iba ko pang kapwa OFW. Nandito po ako ngaun sa Pilipinas, pero kahit milya-milya po ang layo ko sa mga kapwa ko OFW sa Saudi Arabia ay pinipilit ko pong matulungan sila sa abot ng aking makakaya. Hindi po ako kumakandidato sa KaBayani awards o anuman pong pagbibigay pugay. Ibinabahagi ko lamang po sa ibang OFW ang ipinagkait na tulong sa akin ng POLO-OWWA nung ako'y nasa Saudi pa. Hindi po siguro matatapos ang taon at babalik na rin ako doon.
Katulad po ng nasabi ko sa huli kong email, narito ang dalawa lamang sa mga PINOY OFW na kasalukuyang nasa Riyadh at isusunod ko pa po ang listahan ng iba pang kasamahan nitong si Ismael Martinez.
Name : Ismael S. Martinez Nationality Passport No.: VV0800629
Name: JOVY VERGARA Passport No : UU0608324
Kung maaari po lamang ay matulungan nyo sila upang mapaabot sa kinauukulan ang kanilang suliranin. Ang sa akin lang po ay wag nang umabot ang kanilang suliranin sa pagbitay na naman ng isang OFW. Hindi nyo po kasi maiaalis sa ibang kapwa ko OFW ang makapag-isip minsan ng hindi maganda lalo na't sila ay ginigipit at walang mahigan ng tulong.
Lubos po akong umaasa sa inyong tulong..Maraming salamat po.
Gumagalang, Freedom Fighter _______________________________________
Muli na naman po akong nag email sa ABS-CBN para iparating ang mga mensahe sa kawawa nating kababayan mula sa kanyang employer.
brod freedomfighter, pasensya ka na at salamat sa paalala pero gusto ko lang sana linawin na sinabi ko naman dun sa last letter ko na ndi naman lahat ng arabo... pasensya na alam kong minsan medyo nakaka irita.. alam ko mga arabo, palestino at yemeni ang tumutulong sa akin ngayon sa problema ko.
tama ka minsan pag sinara nya ang pinto binubuksan naman nya ang bintana, naniniwala ako dun.
Pangit kasi ang unang karanasan ko sa kamay ni Olayan Car Accessories. Ndi ko pa nga pala sa inyo nasasabi na kahit sa text ay nag sesend sya sa akin ng mga messages na ganito:
" i know your plan to escape. be sure to get to jeddah airport to be caught, you will pay 10 times duble and you will put into jail and you will cry blood"
" you will never see family in pilipines again i will put you to jail"
"you cheat on us and listen to other people you will pay big on what yu do... right is right"
"we dont care if you go to prison we will catch you and you will go to jail for many years"
"as i know were yu work i file law against company yu work you will put to jail for 10 years and also company yu work i take picture of yu and send t police"
meron pa akong isang ginagawang leaflet noon na sinulatan nya ako na
"No Brain"
pare, kahit text lang ito o sulat ndi ba nakaka alarma minsan? kung ano ang kaya nila gawin sa ikakapahamak mo? first time one time ang tinawag ko sa sitwasyon ko.
yung iba na bura ko na sa cell ko sa galit pero yung may blood ndi ko binura..gagamitin ko yun laban sa kanila.
im trying to point out lang na. bakit ganun ang ginagawa nila. ang daming skilled ang dami din naman naka istambay. bakit kailangan nila pahirapan tayo? willing naman palitan at bayaran ang nagastos nila sa atin, kung sasabihin mo na lilipat sa ibang employer. bakit kailangan pahirapan na may kasama pa na pananakot at pang iipit at pagpapahirap. bakit akala mo porke nakuha nila tayo at nagastusan parang akala mo alipin ka na nila at binili ang kaluluwa.
Ndi po lahat ganito ang ugali pero maaamin naman natin na karamihan at bilang sa kamay ang napakabait, matulungin, masipag at may pag tingin sa kapwa. hindi ko nilalahat pero sa paniniwala ko ndi dapat ganun, walang pinag uusapan na relihiyon, kultura o lahi o kahit ano pa ang paniniwala ko mali ang ginagawa ni Olayan pero ako ang parang mali ang ginagawa at naiipit.
hawak nila ang passport ko at iqama kahit anong oras pwede ako makulong, may makakatulong ba sa akin kung sakaling nandun na ako sa kulungan?
kung naaalala ninyo may news na isang pinoy ay nakulong ng dalawang buwan na walang kasalanan mabuti na lang at may dumaan na pinoy na ndi sinasadya at napaalam sa kinauukulan paano kung ganun?
Viva el kabitenyo.. kabitenyo din po ako.
sana po walang magalit o masaktan sa sinasabi ko. ---------------------------------------- Lubos po akong umaasa sa inyong magiging tugon at nagpapasalamat na po ako ngaun sa inyong maitutulong...
Gumagalang,
Freedom Fighter (itago nyo na lang po ako sa palayaw na ito) |
|
|
|
Last Edit: November 2, 2008 @ 1:37am by freedomfighter | |
|
|
|
|

|
| |





To subscribe to our enewsletter, please enter your email address in the box above and click the "Subscribe" button.
 |





|
| S | M | T | W | T | F | S | | | | | 1 | 2 | 3 | 4 | | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 | 24 | 25 | | 26 | 27 | 28 | 29 | | | | |
|
|
|



| |